"I miss her so much!"
Ang hirap pala pag di mo siya lagi kasama nu? Lagi mo siyang namimiss. Nababaliw at nasisiraan ka na ng bait pag di mo siya nakakausap, nakakasama, nakikita at nayayakap. Pero mas nakakabaliw pag umabot ng halos 1 linggo na di mo siya nakikita, at nakakasama. :((
I want to spend my whole life with her. Being with her makes my life complete. I miss her si bad. So so so bad. :((
Mag-aaral ako. Maghahanap ng matinong trabaho. At gagawin ko ang lahat maging maayos lang ang takbo ng pagtatrabaho ko. Tapos, kukunin ko na siya sa puder ng magulang niya. Magsasama kami, magkakaroon ng sarili naming pamilya. Mamumuhay ng maayos at masaya. Magsasama kami ng matagal. Na hanggang sa pag tanda namin, kami lang ang magkasama. Okay na sakin na siya ang kasama ko. Sa kanya lang, kuntento na ko. Gusto ko na makapag tapos ng pagaaral. Gusto ko na simulan yung pangarap na binubuo namin. At gusto ko na simulan ang panibagong buhay ko na kasama siya. <3
Siya lang ang taong nakapag pabago ng dating ako. Na napaka'walang kwenta at walang pakielam sa iba. Ako na, di marunong makuntento sa kung anong meron ako. Ako na, laging laman ng kalsada, puro alak ang inaatupag, mabarkada at takaw away. Binago niya lahat yun. Binago niya ang masamang Diane sa maayos at matinong Diane ngayon. Kaya thankful ako na siya ang minahal at nakilala ko. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya. Sana noon palang nakilala ko na siya para naman masaya na ko dati palang. At di ko na naranasan ang masaktan ng sobra sobra. Salamat talaga at naging akin siya at magiging akin siya FOREVER. :)) <3
Hi ma, i know mababasa mo rin to kaya eto you're free to read it. :))
I love you. :* I really love you so much. :* <33
--
Your Husband <3
No comments:
Post a Comment